Revival

October 4th, 2005 by benigs

I have revived my blog at http://benigs.blogspot.com … Apparently, I still have some energy left to write. I’ve actually revived the blog around a month or two ago so there are quite a few postings already. Check it out if you have time :)

zzzzzz

August 17th, 2005 by benigs

clinose ko na yung original blog ko sa benigs.blogspot.com … i have no energy to blog anymore eh… actually i have no energy for pretty much anything. di na ako nagbabasa ng mga emails ko, i keep on forgetting to read my entertainment news, di na ako nakakapanood masyado ng movies. oh shet parang i have no zest for life na hahaha. well at least adik pa din ako sa tv hehe… hmmm bakit kaya ako nagkakaganito? shet sobrang punong-puno na nga ang inbox ko, full of unread emails. well di naman sila personal email pero yung mga subscriptions ko sa Ask Yahoo atsaka sa The Straight Dope. Dami na oh shet… No thirst for new knowledge nyahahaha… Hay sige buhbye… Kain muna ako. :p

July 4th, 2005 by benigs

nakakawalang gana na… bleeh! akala ko pa naman, di na ako babalik sa puntong  nadedepress, down sa buhay… pero heto nanaman, nalalapit na sa puntong kahit maliit na bagay lamang eh iiyakan ko… malapit na sa puntong iisipin ang mga iba’t ibang methods ng pagpapatiwakal. pero sa mga concerned, di ako magssuicide at never kong inisip yun. iniisip ko lang ang methods which is also bad… sigh…

Ang Katapusan ng Dakilang Ilusyonado

July 3rd, 2005 by benigs

Nakakawalang gana na ang magmahal ng isang tao. O ang maramdaman na parang maaaring mahalin ko ang taong iyon. Dahil nga sa bakla ako. Nakakatamad nang makakita ng isang lalake na gusto ko’t maiisip ko na "Hmmm… Okay siya ah… Sana may pag-asa ako…" And of course in my warped sense of mind, iisipin ko naman na meron akong pag-asa. Minsan todong aasa. Minsan medyo mag-iisip lang nang kaunti na pwedeng mangyari. Pero ayoko na. Napaka-ilusyonado na ng dating ko mas lalo na’t puro mga straight naman ang mga kakilala kong lalake. Nag-iilusyon na walang imposible basta’t pag-ibig ang umiiral. Pero hindi totoo yon, mas lalo na sa katulad ko. Reality sets in na ang straigt ay straight. Period. Kaya ayoko na. Ayaw ko nang mag-ilusyon pa. But I’m still holding out for the chance that someday, makakakita ako ng lalaking magugustuhan ko na ang pag-asang magugustohan niya ako ay hindi isang ilusyon lamang. Pero di na ako aasa. Tama na. Ito ang ang katapusan ng ilusyon.

Paglalantad ng Katotohanan…

April 30th, 2005 by benigs

Naiisip ko na naman ang kabadingan ko… Pinagmumunihan kung bakit hindi obvious sa buong mundo na ako ay bakla! Ayoko nang maglantad pa ng katotohanan dahil dapat eh alam na ito ng mga tao.

Nung isang linggo, kinasal ang pinsan ko. Nung oras na para ihagis na lalaki yung garter na isusuot sa babae, kinukumbinse ako ng mga tita ko na sumali ako dun. Baka ako pa daw ang makasalo ng garter… Sabi kasi nila kung sino man ang makasalo noon ay maaaring susunod na ikakasal… Men’s version of the bride’s bouquet throwing kumbaga… Syempre ako naman sa loob loob ko eh "nyek! Walang pag-asa na ako’y ikakasal dahil di naman kinakasal ang mga bading." Pero jinoke ko na lang na "eh nyek si ate ang nakasalo ng bouquet kanina so kadiri kung ako nakasalo ng garter tapos kami ang ikakasal kuno gaya ng sa mga sabi-sabi"… Pagkatapos ng insidenteng yon, tinatanong ako ng tita ko kung may girlfriend na ba ako… Iniisip ko na putsa naman! Ikaw ang nakakita sa akin noong bata pa ako na anglalaro ng mga barbie doll at inaayos ang buhok ng mga babae sa bahay. Bakit di mo alam?!?!

Ilang milyong beses na ako natanong ng mga kaibigan ko kung alam ba ng parents ko na bading ako. Palagi kong sagot sa kanila eh "sana!" Bente-unong taon ng buhay ko kasama ko sa iisang bubong ang nanay at tatay ko. Nakita nila yung nabanggit ko nang paglalaro ng barbie’t pag-aayos ng buhok. Nakita nila ang aking obsession sa mga beauty pageants. Nakita nila ang di ko pagkahilig sa mga sports. Nakita nila ang aking pagka "mahinhin" kumpara sa ibang lalake. Nakita nila na hanggang ngayon ay wala pa din akong girlfriend at wala akong tunay na barkadang mga lalake. Pagkatapos nilang makita ang lahat ng yan, sana naman eh alam na nila na bading ako. Pero gaya ng sabi ng iba, matindi ang power of denial. Andyan na sa harapan mo, di mo pa din papaniwalaan kung ayaw mo sa ganun. Ganun kaya mga magulang ko?

Sana lang talaga eh alam na nang lahat ng tao na bading ako. Bakit ang ibang tao eh isang tingin pa lang nila’y alam na? Bakit naman ang iba’y di pa malalaman kung di ko sasabihin? Kapag kasama ko ang mga taong pakiramdam ko’y di nila alam at di nila gusto ang homosexuality eh parang I’m walking on eggshells. Dapat dahan-dahan lang sa pagsasalita’t pagkilos para di maka-offend.

Kanina eh nagsesurf ako sa internet ng mga gay sites at naiwan ko yatang naka-open ang pc ko na andun sa mga website na yun. Nakalimutan ko… Tapos nagcomputer ang kapatid kong bata. Bigla kong naalala, "Shet! Di ko yata natanggal yung mga gay sites na yun!" Kinabahan ako. Paano kung magsumbong siya sa mga magulang ko? Paano kung gawin niyang dahilan ito para iblackmail niya ako na hindi ko na siya aawayin at palagi ko na siyang papanoorin ng tv’t maglaro sa computer? Tapos biglang pumasok sa isip ko, "So what?" So what kung sabihin niya sa nanay at tatay ko? MAganda nga kung gayon! Matapos na ang lahat ng ito… Mailantad na ang buong katotohanan. Dahil sa tinatamad na ako sa pagkukunwari. I don’t wanna walk on eggshells anymore.

Ang nakakatakot nga lang, paano kung magalit sila’t palayasin ako ng bahay? Kakayanin ko kaya yun?

ch-ch-changes!

April 21st, 2005 by benigs

tumawag ako sa isa kong college friend. noong college, kapag tumatawag ako sa kanya, dami naming napaguusapan. o kaya minsan kahit wala nang napaguusapan, nasa telepono pa din kami. nanonood siya ng tv, ako nagccomputer. pero ngayong tinawagan ko siya, wala akong maisip na topic na pwede naming pag-usapan. pagkatapos ng dalawang minuto, binaba ko na din ang telepono. ang weird… feeling ko tuloy nagbago na ako, na di ko na kayang makipag-usap sa mga kaibigan ko na dati’y araw-araw kong nakikita ngunit ngayon eh minsan sa isang taon na lang. feeling ko eh di na ganun katatag ang aming pagkakaibigan. o baka naman siya ang nagbago? baka siya din wala nang maisip kung ano ang pwede naming pag-usapan. at ang mga moments na tahimik lang kami sa telepono, di na pwedeng gawin ngayon. magkaiba na kasi ang buhay namin. di na nga nagkikita ng madalas. kamusta na kaya siya? kamusta na kaya ang mga kaibigan kong di na malaking parte ng aking buhay?

AI: 70s Dance Music… Uhuh!

April 20th, 2005 by benigs

When Ryan Seacrest said that this week’s theme is going to be 70s dance music, I got excited coz I really wanted to just get up and groove to great performances. Unfortunately, that did not happen. There were no amazing performances like the ones in last year’s disco theme week. No Diana getting me to dance to Enough is Enough. No Fantasia to get me squealing to Knock on Wood. Bleehh…

Best vocal of the night goes to Carrie. Best performance of the night goes to Vonzell. Carrie is the best singer in this competition. She really sings well. Unfortunately, she does not know how to move on stage! She looked so uncomfortable on the stage tonight, she never even tried to dance. And this is dance music week!!! Vonzell on the other hand is in the middle of the pack vocally. But what she lacks in vocals, she sure makes it up for energy and charisma while performing. She just really lights up that stage! She knows how to move and own that stage! But she still did not impress me that much since most of the time, the backup singers were drowning her out and that’s not a good thing!

I just wish there’s gonna be a perfect contestant who will become the American Idol who has the vocal and performance chops. There certainly were some in previous seasons like Tamyra Gray or Diana de Garmo, but unfortunately, the two’s not really that succesful with the release of their albums. Fantasia certainly has the talent but she’s more of a joy to watch than to hear and the reverse can be said for Kelly Clarkson… Sigh… When will I ever get my perfect Idol! 

aba!

April 6th, 2005 by benigs

uhuh testing lang… may blogging service na din pala ang friendster… ayus!!! i’ll try to update this as much as possible. pero baka copy and paste lang dun sa una kong blog ahahahaha!